NAPAG-ALAMAN sa isang pag-aaral, na inilathala sa journal na Science, kung paano nakatutulong ang simpleng salitang “you” upang maunawaan natin ang mga negatibong pangyayari at ang makabuluhang kahulugan ng mga ito.
Ang salitang “you” ay isa sa mga salitang madalas na ginagamit sa wikang English. Ang pangunahing gamit nito ay para tawagin o tukuyin ang isang tao – halimbawa, “how are you?” – ngunit mayroon itong mas malawak na kahulugan.
Bagamat karaniwan na ang salita, isinagawa ang munting pag-aaral upang masuri kung bakit ginagamit ang iba’t ibang uri ng “you” at kung paano nakakaapekto ang paggamit nito sa ating sikolohiya.
Nagdisenyo ang grupo ng mga researcher – sa pangunguna ni Ariana Orvell ng Department of Psychology sa University of Michigan, Ann Arbor – ng mga eksperimento para imbestigahan ang pagamit ng generic-you sa mas maraming detalye; ninais nilang mas maintindihan kung kailan ito ginagamit at kung ano ang ibig sabihin nito sa mga gumagamit.
Ipinaliwanag ng mga awtor ang kanilang assumption:
“Here, we suggest that generic-you is a linguistic mechanism that people use to make meaning from human experience - to derive insights that extend beyond the self - and that it does so by expressing norms.”
Sa unang tatlong eksperimento, tinanong ang mga kalahok ng “you questions” na bahagyang magkakaiba ang paggamit sa bawat kaso.
Sa preliminary round ng eksperimento, natuklasan ng grupo na madalas na ginagamit ng tao ang generic-you para talakayin ang general norms kaysa sa pag-uusap nila tungkol sa mga personal na bagay.
Pagkatapos nito, tinanong din nila ang mga kalahok na sumulat tungkol sa neutral life experience o negative life event. Napag-alaman nila na anim na porsiyento lamang sa neutral group ang gumamit ng generic-you, ngunit 56% ng mga indibiduwal sa negatibong grupo ang gumamit ng generic-you.
Bilang konklusiyon, sinabi ng mga researcher na “(generic-you) may constitute a central way that people derive meaning from their emotional experiences in daily life.” Naniniwala rin sila na “(t)ogether, these findings demonstrate how language is structured to facilitate the process of making meaning from one’s experiences.”
Ipinagpapatuloy pa rin ang pag-aaral upang matuklasan ang kalawakan at kahalagahan sa emosyon ng mga simple at pangkaraniwang salita. (Medical News Today)