Sinabi ni acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na patuloy na ipapahayag ng Pilipinas ang kahalagahan ng pagpapanatili ng matibay na relasyon sa European Union sa kabila ng walang tigil na patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa EU dahil sa pambabatikos sa kanyang kampanya kontra ilegal na droga.

“The message we’ll be sending to the EU of course is to reaffirm our strong relationship with the European Union, and our efforts to build up on that,” pahayag ni Manalo sa isang panayam sa telebisyon kahapon. “We have a big relationship and we try and keep it steady and look at the aspects, positive aspects.”

Hindi nagbabago ang paninisi ng EU kay Duterte simula nang tumaas ang bilang ng mga iniulat na napatay sa ilalim ng giyera kontra droga ng kanyang administrasyon.

Kamakailan ay nanawagan ang European Parliament na palayain si Senador Leila De Lima na ayon sa kanila ay nahaharap sa mga gawa-gawang akusasyon kaugnay sa droga.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa parehong resolusyon, nanawagan din ang mga mambabatas na European sa mga awtoridad ng Pilipinas na maging patas at imbestigahan ang extrajudicial killings kaugnay sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

Ayon kay Manalo, inabisuhan na ng Department of Foreign Affairs ang EU kaugnay sa bagong resolusyon ng EU parliament at sa katotohanan na ang gobyerno ay “a bit concerned about the language that they had used in that resolution.

“Sometimes, we’re not exactly sure where they get their information,” aniya. “They don’t bother to double check what’s going on.” (Roy C. Mabasa)