Nakipagdayalogo ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv, Israel sa mga Pilipinong nabiktima ng illegal recruitment na pinangakuan ng trabaho bilang caregiver sa Canada noong Marso 26.
Isang grupo ng 13 Pinoy ang nagtungo sa Embahada ng Pilipinas upang isumbong ang operasyon ng mga illegal recruiter, isa rito ay dating caregiver sa Israel, na nagsimula noon pang 2014.
Ang modus operandi ng grupo ay aalukin ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Israel na mag-apply bilang caregiver sa Canada at hihingan sila ng US$1,500 hanggang US$6,500 processing fee, ngunit walang mangyayaring deployment.
(Bella Gamotea)