BACK to business na si Pink!

Ipinost ng 37-anyos na singer sa Instagram nitong Huwebes ang kanyang larawan habang nasa studio, tatlong buwan makaraang isilang ang anak na si Jameson Moon.

“I like this song,” caption niya sa larawan.

Alam na alam ni Pink kung paano niya babalansehin ang kanyang trabaho at pamilya. Naglabas ang ina ng dalawang anak ng kanyang unang awitin pagkatapos manganak nitong unang bahagi ng buwan, na may catchy tune na Waterfall, sa pakikipag-collaboration kay Sia at production duo na Stargate.

Tsika at Intriga

'Anyare sa mukha?' Yassi Pressman, hindi nakilala sa sariling TikTok video

“We just wanted to say ‘hey thanks!’ To Sia and stargate and all the lovely humans showing us so much love for our little song on the radio,” sulat ni Pink kasama ang sweet na larawan ng kanyang sarili kasama si Jameson ilang saglit makaraang ilabas ang kanta. “I love singing, I love Sia, I love this little guy and I’m stoked you all love it. Carry on.... TGIF #waterfall #love.” (ET Online)