RAMOS, Tarlac - Isang negosyante na may-ari ng isang school canteen ang hinoldap ng dalawang lalaking naka-bonnet sa loob mismo ng paaralan sa Ramos, Tarlac, nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay SPO1 Reynaldo Millo, natangay kay Nancy Valdez, 53, may asawa, ng Barangay Guiteb, Ramos, ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng P24,700 cash.

Napag-alaman na dakong 5:40 ng hapon nitong Miyerkules nang sakay sa bisikleta ay nagtungo si Valdez sa school canteen nang biglang lumabas sa comfort room ng eskuwelahan ang dalawang suspek na nakasuot ng bonnet at hinoldap siya. (Leandro Alborote)

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!