OAKLAND, California (AP) – malaki ang posibilidad na magbalik aksiyon si Golden State star forward Kevin Durant bago matapos ang regular season, ayon sa pahayag ng team management.

Sumapi sa Warriors, 2015 NBA champion at muntik nang maka-back-to-back tangan ang record 73-win, ang scoring champion na si Durant sa off-season matapos maging free agent.

Ngunit, nasideline si Durant bunsod ng knee sprain at bone bruise nitong Marso 1 laban sa Washington.

"Kevin has made very good progress since suffering the injury four weeks ago," pahayag ng Warriors statement. "He has not experienced any setbacks to date and has progressed as well as could be expected.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"A return to game action prior to the end of the regular season remains a possibility."

Tangan ni Durant, 2014 NBA Most Valuable Player, ang average na 25.3 puntos, 8.2 rebound, 4.8 assist, 1.6 blocked shot at 1.1 steal sa 59 na laro ngayong season.

Lugmok ang Golden State sa 2-5 matapos ma-injured si Durant, ngunit nakabawi ang Warriors sa impresibong eight-game win streak para manguna tangan ang karta na 60-14.

Ayon sa management, ire-reevaluate ang kondisyon ni Durant 10 araw mula ngayon.

"At this point, he is being incorporated into non-contact basketball drills -– shooting, running and jumping –- and the plan is to intensify his level of movement over the next several days, which will include more explosive cutting and lateral maneuvers," ayon sa pahayag.

"His eventual return to contact drills and practice will be predicated upon his progress to the increased intensity of his workouts."

Sakaling mabigyan ng go-signal, makalalaro si Durant sa home game laban sa New Orleans sa April 8, kontra sa Utah sa April 10 at Los Angeles Lakers sa April 12.