Magsasagawa ngayong Biyernes ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa tulong ng mga Regional Disaster Risk Reduction Management Council, ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Sinabi ni NDRRMC Executive Director at Civil Defense Administrator Undersecretary Ricardo B. Jalad na magsisimula ang earthquake drill sa ganap na 2:00 ng hapon.

Ayon kay Jalad, ang ceremonial venue ay sa Central Command sa Camp Lapu Lapu, Cebu City.

Bukod dito, ilulunsad din ng OCD ang “Bida and Handa Campaign” upang isulong ang kahandaan ng publiko laban sa anumang kalamidad.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Aniya, tampok sa kampanya ang pakikibahagi ng gobyerno, pribadong sektor, akademya at media sa pag-a-upload sa social media ng litrato o video ng mga nagsasagawa ng preparedness activity na may fan sign o caption na “Magda-Duck, Cover, and Hold kami sa March 31, 2017! Dahil bida ang handa!” (Francis T. Wakefield)