TUMULAK kagabi ang 7-Eleven Roadbike Philippines cycling team patungo sa Thailand para sumabak sa Princess Maha Chackri Sirindhorn Cup (Tour of Thailand) na nakatakda sa Abril 1-6.

Suportado ang koponan ng Taokas. Ang torneo ay bahagi ng Asia Tour ngayong 2017 at idaraos ang karera sa unang pagkakataon sa ilalim ng klasipikasyon bilang 2.1 UCI event.

Dahil dito, inaasahang mas magiging mahigpit ang labanan sa karera ngayong taon na lalahukan ng 20 mga koponan na kinabibilangan ng 13 continental teams, limang national team at dalawang pro-continental squad na Nippo Fantini ng Japan at Novo Nordisk ng USA.

Nakatakdang kumatawan para sa 7-Eleven ang mga lokal na pambatong sina Mark John Lexer Galedo, Marcelo Felipe, Rustom Lim at Dominic Perez at mga dayuhang riders na sina Jesse Ewart ng Australia at Edgar Nieto ng Spain.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Target ng koponan, ayon kay team director Ric Rodriguez sa panayam sa Sports Radio na makamit ang Asian Best Rider at Best Team honor.

Tumapos sa ikaapat sa overall individual classification si Marcelo habang pumangalawa ang koponan sa team classification sa nakalipas na taon. (Marivic Awitan)