Kinasuhan na ang suspek sa pagpapakalat ng malalaswang litrato ng basketball player na si Kiefer Ravena.

Ayon kay Philippine National Police-Anti Cyber Crime Group (PNP-ACG) spokesperson Supt. Jay Guillermo, nadakip sa entrapment operation si Kristoffer Monico, 22, ng No. 36 Bartville Road, Barangay Dela Paz, Pasig City.

Humingi ng tulong si Ravena sa PNP-ACG matapos umano siyang pagbantaan ni Monico na ipakakalat nito ang malalaswa niyang larawan kapag hindi nagbigay ng P50,000.

Ayon sa PNP-ACG, nagbigay na umano si Ravena ng P25,000 kay Monico at nakiusap na huwag ipakalat ang mga nasabing litrato ngunit sa kalauna’y kumalat din sa social media.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Nabawi mula kay Monico ang dalawang pirasong P1,000 bill na marked money, dalawang unit ng cell phone, isang mamahaling relo, iba’t ibang identification card, credit card at P6,734 cash.

Kasalukuyang nahaharap si Monico sa kasong robbery/extortion at paglabag sa kasong cybercrime prevention act of 2012. (Fer Taboy)