JENNYLYN copy

HINDI nakarating si Jennylyn Mercado sa celebrity screening/premiere night ng pelikulang Northern Lights: A Journey to Love noong Martes dahil nasa hospital siya nang mga oras na iyon.

Tinanong kasi si Bb. Joyce Bernal na direktor ni Jennylyn sa remake ng koreanovelang My Love From The Star ng taga-Star Cinema kung darating ang aktres at sinabi nga na nasa hospital.

Na-curious kami kung ano ang ginawa ni Jennylyn sa hospital.

Pinay green card holder na 50 taon na sa US, hinuli ng ICE matapos magbakasyon sa ‘Pinas

“Hindi ko alam ang tawag, pero nagpa-check-up siya kasi ‘yung sa mata niya, parang may something daw, parang may naipit. Hindi ko alam ang tawag, eh,” sagot ni Direk Joyce nang mag-usisa kami.

Kinumpirma naman ng isa pang taong malapit kay Jen na aming napagtanungan, na totoong nagpunta sa hospital ang aktres. Katunayan, katatapos lang daw nitong magpa-laser ng mata.

Gumagamit na rin ng eyeglasses si Jen at para siguro hindi ito sagabal sa shooting o tapings ay pina-laser niya ang mga mata niya.

Samantala, going strong pa rin ang relasyon nina Jen at Dennis Trillo na kamakailan ay nagbakasyon sa ibang bansa.

(Reggee Bonoan)