KEY BISCAYNE, Fla. (AP) — Isang puntos lamang ang layo ni Roger Federer para sa kabiguan. Ngunit, taliwas ang naging kaganapan.

Nakabawi ang 18-time major champion mula sa 6-4 paghahabol sa third-set tiebreaker para gapiin si No.10 seed Tomas Berdych, 6-2, 3-6, 7-6 (6) para makausad sa Final Four ng Miami Open nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

“I had belief I could turn it around, even then,” sambit ng Swiss superstar.

Tunay na may tikas si Federer at nagpatuloy ang impresibong kampanya ngayong season.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I got incredibly lucky. Could have gone either way. Felt like maybe this one I should have lost,” aniya.

Tulad ni Federer, kumpiyansa rin si Caroline Wozniacki sa Key Biscayne.

Ginapi ni Wozniaki si second-seeded Karolina Pliskova 5-7, 6-1, 6-1.

Sunod na makakaharap ni Wozniacki si No. 10 Johanna Konta, nagwagi kontra No. 11 Venus Williams, 6-4, 7-5 sa hiwalay na semifinal “This is one of the few tournaments where I’ve never made a finals. I think my best result here was semifinals five years ago. It’s always been a tournament where I wouldn’t say I struggle, but I’ve just not had the results I wanted,” aniya.