UNITED NATIONS (AP) – Itinalaga si dating South Carolina Gov. David Beasley noong Miyerkules para pamunuan ang U.N. World Food Program, ang pinakamalaking humanitarian agency na lumalaban sa pagkagutom sa buong mundo at sumasaklolo sa tinatayang 80 milyong katao sa 80 bansa bawat taon.

Ang appointment ni Beasley sa WFP ay inihayag nina U.N. Secretary-General Antonio Guterres at Jose Graziano da Silva, ang director-general ng Food and Agriculture Organization. Papalitan niya si Ertharin Cousin, isang American lawyer at dating U.S. ambassador, na ang limang taong termino ay nagtapos nitong Martes.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'