CAMP JUAN VILLAMOR, Abra - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng mga hindi pa nakikilalang suspek na sakay sa motorsiklo sa Bangued, Abra, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Abra Police Provincial Office, nakilala ang biktimang si Daycarlo Paligutan Millard, 39, chairman ng Barangay Budac, Tatum, Abra.
Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ni Millard ang isang Elf Forward Eagle (UEZ-107) kasama sina Julius Millare Dionio, 33; at Freddie Alvarez Turalba, 47, kapwa taga-Bgy. Budac, Tayum, para mag-deliver sa Candon City, Ilocos Sur.
Pagsapit sa Bgy. Patucannay sa Bangued bandang 2:00 ng umaga ay biglang sumulpot ang isang motorsiklo na lulan ng dalawang suspek at pinagbabaril ang biktima. (Rizaldy Comanda)