ALJUR copy

HOW true, problemado si Aljur Abrenica dahil hindi na siya ni-renew ng GMA-7 gayong kailangan pa naman niyang magkaroon ng projects dahil manganganak ang girlfriend niyang si Kylie Padilla.

Idagdag pa ang balitang may P1.3M siyang balanse sa bahay na binili niya sa broadcast journalist na si Kaye Dacer.

Tuluyan nang nagkaroon ng lamat ang samahan ni Aljur at ng GMA-7 management na nagsimula nang magsampa ng kaso ang aktor dahil gusto na niyang kumawala sa network.

Mga Pagdiriwang

Philippine Book Festival, sinimulan na!

Pero hindi pa expired ang kontrata ni Aljur sa GMA noon kaya binigyan pa rin siya ng projects.

Pero ngayon, ‘nganga’ na ang aktor kaya madalas daw ay nasa isang tabi lang at namumuni-muni.

“Parang tulala, hindi mo makapa ang iniisip. Ayaw niyang ipahalata kay Kylie na problemado siya dahil nga buntis, eh, baka makaapekto sa pagbubuntis niya,” sabi ng aming source.

“Bagamat may resort sina Aljur (ang pamilya nila) na puwede sana niyang makunan ng pang-araw-araw na gastos nila ni Kylie pero hindi sapat,” sabi pa sa amin. (REGGEE BONOAN)