Naghain ng panukalang batas si Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato upang ideklarang watershed reservations ang siyam na critical watershed sa Mindoro Island.

Batay sa HB 4617 (Mindoro Watershed Reservation Act), ang siyam na watershed ay may lawak na 317,431.5 ektarya sa Occidental Mindoro.

Ang siyam na watershed ay matatagpuan sa Amnay, Busuanga, Caguray, Calawagan, Lumintao, Mamburao, Mongpong, Pagbahan at Patrict.

Binanggit ni Ramirez-Sato ang pagpupursige ng administrasyon na mapangalagaan ang mga watershed sa bansa kasunod ng mga ulat hinggil sa “hit-and-run mining operations” ng ilang kumpanya ng minahan. (Bert de Guzman)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito