Nilinaw kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang namo-monitor ng militar sa Metro Manila.

Sinabi naman ni AFP Public Affairs Office (PAO) Chief Col. Edgard Arevalo na batay sa nakuha nilang impormasyon, ang mga nagsagawa ng kilos-protesta sa EDSA nitong Lunes ay nagpanggap na mga rebelde, at mga bayarang sympathizer lamang ng kilusan.

Kahapon, nagkasa rin ang mga tagasuporta at kasapi ng NPA ng ilang biglaang lightning rally sa Davao City kaugnay pa rin ng ika-48 anibersaryo ng kilusan.

Malaya namang nakapagdaos ng protesta ang mga nakasuot ng pula at may takip ng mukha sa Quirino Avenue sa Davao City, bagamat nagdulot ito ng pagsisikip ng trapiko.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa isang pahayag, umapela ang NPA sa publiko na lumahok sa kanilang rebelyon ilang araw bago ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF) sa Oslo, Norway sa Abril 2. (Fer Taboy at Yas Ocampo)