LIPA CITY, Batangas - Patay ang isang 65-anyos na lalaki habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos salpukin ng trailer truck ang sinasakyan nilang tricycle sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Eduardo Valencia, habang sugatan naman sina Oliver Valencia, 34; at Niño Valencia, 30, pawang taga-Barangay Marawoy, Lipa City.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:20 ng umaga nitong Martes at binabagtas ng tricycle (QU-5081) na minamaneho ng matandang Valencia ang kalsada sa Bgy. Marawoy nang salpukin ng tractor head (ZLH-424) na minamaneho ni Tirso Gregorio, 41 anyos.

Nabatid sa imbestigasyon na bumangga ang truck sa barrier makaraang okupahin ang kabilang lane at nahagip ng barrier ang isang jeep (VBP-317) at isang Mitsubishi Montero Sport (AAC-7698) bago binangga ng truck ang tricycle.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

(Lyka Manalo)