pba copy

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

(Game 1 of Best-of-3 Finals)

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

4 n.h. -- Racal vs Cignal

-San Beda

SISIMULAN ng dalawang first time finalists Racal at Cignal-San Beda ang kanilang duwelo sa best-of-three title series sa PBA D-League Aspirants Cup ngayon sa Ynares Sports Arena.

Hindi bago sa ganitong sitwasyon si Hawkeyes coach Boyet Fernandez,dahil pangwalo na niyang pagkakataon na pumasok ng finals noong hawak niya ang koponang NLEX na anim na beses niyang napagkampeon habang ang makakatapat niyang si Tile Masters coach Jerry Codiñera ay naghahangad na makabawi sa kabiguang nalasap ng kanyang koponang Arellano sa nakaraang NCAA season.

Ganap na 4:00 ng hapon ang simula ng Game 1.

Babanderahan ang Cignal ng core ng San Beda Red Lions sa pamumuno nina Robert Bolick, Javee Mocon at Ben Adamos kasama sina MVP candidate Jason Perkins at ex-pro guard Pamboy Raymundo.

Bagama’t bahagyang pinapaboran ang Cignal dahil sa 96-86 na panalo nila sa eliminations, ayaw magkumpiyansa ni Fernandez dahil alam nilang motivated ang Racal.

“We had a hard time playing Racal. We just have to make the necessary adjustments because what they have very good players, All-Star players at least. So if you’re going to beat an All-Star team, you really have to play defense and be disciplined,” ani Fernandez.

Inaasahan namang mamumuno sa Tile Masters ang mga NCAA stars na sina Arellano duo Kent Salado at Lervin Flores, Emilio Aguinaldo forward Sidney Onwubere, at Letran hotshot Rey Nambatac kasama ng mga beteranong sina Jackson Corpuz at Allan Mangahas.

Ito ang nakikitang bentahe ni Codinera sa kanilang best-of-three series.

“I will just continue to trust my players and we'll try to keep it close and we'll try to motivate the players coming to the Finals,” wika ni Codińera. (MARIVIC AWITAN)