obiena copy

(Final Medal Tally)

Vietnam 13-8-0

Malaysia 6-6-6

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Indonesia 6-2-4

Thailand 5-0-0

Singapore 2-7-5

Philippines 1-9-15

Timor Leste 0-1-1

Brunei 0-0-0

ILAGAN CITY – Nakumpleto ng Vietnam ang dominasyon, ngunit sapat na ang tagumpay ni Francis Obiena sa boys’ pole vault para sa masayang pagdiriwang ng Team Philippines sa pagtatapos ng 12th Southeast Asian Youth Athletics Championships nitong Martes sa Ilagan Sports Complex dito.

Tunay na nananalaytay sa dugo ng 17-anyos na si Obiena ang pagiging kampeon nang malagpasan niya ang pole vault sa taas na 4.00 metro para maisalba ang host sa pagkabokya sa gold medal sa prestihiyosong torneo na itinataguyod ng Ayala Corporation at Philippine Amateur Track and Filed association (PATAFA) sa tulong ng philippine Sports Commission (PSC).

Nakopo ni Singaporean Saciin Esan Maran ang silver sa taas na 3.80 metro, habang bronze si Pinoy John Emmanuel Reyes (3.40 metro).

Bunsod ng pampabuhay na performance ni Obiena, nakopo ng Team Philippines ang isang ginto, siyam na silver at 15 bronze medal sa torneo na sanctioned ng International Amateur Athletics Federation at suoportado ng MILO.

“This one is for the country,” pahayag ng Grade 12 student sa Chang Kai Sheik.

Si Obiena ay anak ni Edward, may hawak ng National Collegiate Athletic Association record at decathlon bronze medalist sa SEA Games.

Pamangkin siya ni Emerson, silver medalist sa SEA Games, habang ang kanyang pinsan na si Ernest John ay kasalukuyang nagsasanay sa Italy sa pangangasiwa ni Olympic legend Vitaly Petrov at isa sa ipinapalagay na isabak sa Tokyo Olympics sa 2020.

“I was trying to seize up my Singaporean opponent in the final stretch. But when he failed to clear the bar at four meters, I knew I could make it. I just tried to attempt 4.35 meters to somehow overcome my personal best of 4.30 meters.”

Nakopo ng Vietnam ang overall championship sa torneo na itinataguyod din ng Foton Pilipinas, UCPB Gen at Run Rio tangan ang 13 ginto, at walong silver.