KEY BISCAYNE, Fla. (AP) — Hindi tumatanda at kasiyahan sa tagumpay.
Sa edad na 36-anyos ang ilang major title, nanatili pa rin ang kasabikan sa tagumpay kay Venus Williams. At hindi naiiba ang panalo niya kontra top-ranked Angelique Kerber 7-5, 6-3 nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila) sa Miami Open quarterfinals.
Ito ang ika-15 career win ni Williams kontra sa No. 1 player, ngunit una mula noong 2014.
Umusad naman sa men’s semifinal si four-time Key Biscayne runner-up Rafael Nadal nang pabagsakin si American Jack Sock 6-2, 6-3. Sunod niyang makakaharap sa Biyernes si Fabio Fognini, unang unseeded player na umabot sa Final Four sa nakalipas na 10 taon.
Ginapi niya si 2016 runner-up Kei Nishikori 6-4, 6-2.
Minsang tinaguriang Williams Open ang torneo bunsod nang dominasyon nina Venus at nakababatang kapatid na si Serena.
Sa edad na 36-anyos at No.11 seed, ito ang unang pagsabak ni Williams sa semifinals sa nakalipas na pitong taon.
“My dad is one of the loves of my life and the reason I’m here in this game,” pahayag ni Venus patungkol sa ama na kabilang sa crowd na nagdiriwang sa kanyang panalo.
“He has always loved popcorn. We always ate popcorn together when I was a child. That’s a great childhood memory,” aniya.
Makakaharap ni Venus sa Huwebes si No. 10 Johanna Konta, unang British woman na umusad sa semifinal sa Key Biscayne matapos manalo kay No. 3 Simona Halep 3-6, 7-6 (7), 6-2.
“She’s living the dream. I’ve got a dream too,” pahayag ni Williams.
Magtutuos sa hiwalay na Final Four match sina No. 2 Karolina Pliskova at No. 12 Caroline Wozniacki.