Ikinalugod ng Malaysia ang pagkakasagip ng mga awtoridad ng Pilipinas sa lahat ng mamamayan nitong dinukot ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu.

Sa kalatas na inilabas ng Malaysian Ministry of Foreign Affairs nitong Marso 28, pinasalamatan ng gobyerno ng Malaysia ang Pilipinas sa pagsagip sa mga nadukot nitong mamamayan.

Nailigtas ng Joint Task Force Sulu sina Fandy Bakran, Mohd Jumadil Rahim at Mohd Ridzuan Ismail noong Marso 27, tatlong araw matapos masagip sina Abd Rahim Summas at Tayudin Anjut. Ang lima ay pawang crew ng barkong Serundung 3.

Matapos isailalim sa medical check-up at debriefing sa Zamboanga, lumipad na sina Bakran, Rahim at Ismail pabalik ng Kuala Lumpur nitong Martes. (Bella Gamotea)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'