HAHAMUNIN ni Sonny “Pinoy Hearns” Katiandagho (11-1-0, 6 KOs) ng General Santos City si WBA Oceania super lightweight champion Darragh Foley (10-2-0) ng United Kingdom sa Abril 8 sa Doltone House sa Sylvania Waters, New South Wales sa Australia.

Ang 12-round championship fight ay itinataguyod ni John Ioannou ng JNI Promotions, katuwang sina Chris Carman ng BigTicket Events Pty Ltd. bilang matchmaker.

Galing ang 24-anyos Filipino fighter mula sa Highland Stable sa La Trinidad, Benguet a panalo nang makuha ang bakanteng WBC Eurasia Pacific Boxing Council welterweight title via 3rd round technical knockout kontra Rafik Harutjunjan noong Hulyo hanggang Hulyo sa Sichuan Gymnasium sa Chengdu, China.

Nauna nang tinalo ni Katiandagho si Stevie Ongen Ferdinandus sa 7th round noong December 1 sa ZheJiang University Stadium (Zi Jin gang Campus) sa China.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakopo ni Foley ang bakanteng WDF Oceania super lightweight title via 6th round TKO kontra kay Filipino boxer Joebert delos Reyes (15-6-1) noong Hulyo 2 sa Club Punchbowl in New South Wales.