ERICH copy

PAGKATAPOS ng guesting ni Erich Gonzales sa It’s Showtime last Tuesday, dumiretso siya sa DZMM. Sa panayam sa kanya ni Ariel Ureta, muling naitanong ang tungkol sa break-up nila ni Daniel Matsunaga.

Nasa proseso na raw siya ng moving-on at masaya siya bilang single sa ngayon. Pinipilit na raw niyang kalimutan ang naging kabanata ng kanyang buhay kay Daniel.

“Katulad po ng sinabi ko, I am moving forward and I’m enjoying my single life,” aniya.

Mga Pagdiriwang

Philippine Book Festival, sinimulan na!

May ilang advice ding ibinahagi sa kanya si Ariel Ureta.

“And katulad nga po ng sinabi ni Sir Ariel, in Spanish, ‘La vida sigue.’ In English, life goes on.”

Sa isang hiwalay na panayam ng common friend nila na si RB Chanco, aniya’y inayos na ng dalawa ang lahat, “peacefully.”

Nilinaw ng Star Magic na hindi tungkol sa pera ang naging sanhi ng kanilang hiwalayan. (ADOR SALUTA)