dennis copy copy

KILALA si Dennis Trillo bilang mahusay na aktor. Subok na ang kanyang kahusayan sa pag-arte kaya isa siya sa mga aktor na hinahangaan at minamahal ng mga Pilipino.

Sa kabila ng kasikatan, nadiskubre ni Dennis ang kanyang bagong “love”. Naakit sa amoy na nagmula sa ihawan, sinunod niya ang kanyang panlasa, at nahanap ang tunay na linamnam at sarap. Mula sa legs, thighs, breasts, at wings, napamahal si Dennis sa Chicken Deli.

Hindi lang ngayon nakatikim si Dennis ng Bacolod style chicken inasal. Ayon sa kanya, ang kanyang ama, si Abelardo Leslie Ho, ay tubong Dumaguete, Negros Oriental. Madalas umanong umuwi ang kanyang ama sa Bacolod, at palagi nitong ikinukuwento ang Chicken Deli.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Tumatak na ito kay Dennis, kaya nang magpunta siya sa Bacolod, agad niyang hinanap ang lasa ng chicken inasal.

Sadyang nanuot sa kanyang panlasa ang bawat flavor nito, kaya hiniling niya na magkaroon ng ganito sa Maynila. At natupad nga ang kanyang hiling nang buksan ang unang Chicken Deli sa Maynila noong 2011. At itinadhanang siya ang kuning endorser nito.

“Naisip ko talaga ‘yung original recipe ng inasal,” pagtatapat ni Dennis. “Kasi marami nang iba’t ibang klaseng lumabas na inasal; meron ‘yung parang barbecue lang, ‘tapos meron naman ‘yung parang sweet. Pero nu’ng natikman ko ito, sabi ko ito ‘yung authentic na Bacolod recipe. Dito nagsimula talaga ‘yung inasal kaya parang ‘pag unang bite mo pa lang, alam mo nang authentic ang recipe.”

Inamin din ni Dennis na mahilig siya sa breast part ng manok. Ngunit, nilinaw niya kinakain lang niya ito kapag nagda-diet siya. Pero kapag hindi, gustung-gusto niyang kumain ng dark meat, lalo na kapag nababalutan ng balat.

“Masarap din ‘yung may malutong na balat, eh. Nandu’n ‘yung flavor. Gusto ko talaga may balat kasi nandu’n ‘yung lasa.”

Bukod sa chicken inasal, naghahain din ang Chicken Deli ng iba pang putahe gaya ng Lechon Kawali, Beef Kare Kare, Sinigang na Bangus, Pork Sinigang, Pork Sisig, Chicken Sisig at Pork Liempo. Mayroon din silang “Chicken Deli-cious Meals”: grilled chicken, pork, beef, at fish, na may libreng sabaw at kanin-all-you-can.

At siyempre, hindi mawawala ang panghimagas gaya ng Halo Deli at bago nilang bersiyon ng Pinoy Halo-halo, Turon Sticks, Sago’t Gulaman, Leche Flan, at Piyaya.

Umaabot na sa 50 ang branch ng Chicken Deli sa buong bansa.

Sa mga nais mag-franchise maaaring mag-email sa [email protected] o bisitahin ang website sa www.chickendelibacolod.com. Maaari rin silang i-like sa Facebook at i-follow sa Twitter.