MAY nalalabi na lamang na dalawang yugto, kasama na ang labanan ngayong gabi, upang makumpleto ang 2017 UFCC Cock Circuit, ang mga suking opisyonado ng Las Piñas Coliseum ay makakapanood ng umaatikabong aksiyon ngayon kung saan ang mga nangunguna sa karera para sa 2017 UFCC Cocker of the Year ay pipilitin makuha ang unang puwesto.
Nasa harapan ang mga lahok na LB Candelaria – Ka Luding Boongaling J&B Kaingin; CJ Monarch – Jojo Cruz; April 5 5-Cock SJC ; Dayang-dayang Lucena/Duhatan – Edwin Tose & Anthony Lim; Fiscalizer – Eddie Boy Villanueva & Fiscal Villanueva at Sta. Maria Abada/GR – Raymond Burgos & Gerry Ramos.
Matapos na magsolo champion sa 5th Leg noong Marso 25, si RJ Mea (RJM) ng Tiaong, Quezon ay inaasahan na muling ma-liyamado sa 6th Leg One-Day 6-Cock Derby tampok ang 70 sultada na magsisimula ng ika-2 ng hapon.
Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2017 UFCC Cock Circuit ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum, Resorts World Manila at Solaire Resorts & Casino.
Magtatapos ang 2017 Cock Circuit sa Abril 22 sa Las Piñas Coliseum tampok ang isang 7-cock derby.
Samantala, handa na ang lahat para sa pagdaraos ng 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila sa Mayo 14, 15, 16, 17, 19 & 20.
Sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila, ang anim na araw na labanan ay inaayudahan nina Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa.
May garantisadong premyo na P15M para sa entry fee na P88,000 at ang minimum bet ay P55,000. At para sa handler ng champion entry magbibigay ang Resorts World Manila ng isang bagong Mitsubishi Strada GL 4x2 M/T pick-up truck.
Para sa karagdagang impormasyon at reserbasyon ng cockhouse, magtext o tumawag kay Ms. Kate Villalon – 09278419979.