MAY hindi magandang rebelasyon si James Blunt sa mga kinikilig sa kanyang breakout hit na You’re Beautiful.
Nagsalita sa The Huffington Post, sinupla ng British singer ang popular opinion na “romantic” ang kanyang 2005 tune.
“Everyone goes, ‘Ah, he’s so romantic. I want You’re Beautiful as my wedding song.’ These people are f**ked up,” sabi ni James.
Permanente mang iniluklok ng awitin si James sa mapa ng UK at binigyan siya ng titulo bilang best-selling album ng dekada, ang maling interpretasyon sa mga liriko nito ang patuloy na dumudurog sa kanya.
“You get labelled with these things like, ‘Oh, James Blunt. Isn’t he just a soft romantic?’ Well, f**k that. No, I’m not,” aniya.
“You’re Beautiful is not this soft romantic f**king song. It’s about a guy who’s high as a f**king kite on drugs in the subway stalking someone else’s girlfriend when that guy is there in front of him, and he should be locked up or put in prison for being some kind of perv,” dugtong ng singer.
Bukod sa pagiging prangka, kilala rin si James sa pagbibiro sa kanyang sarili sa Twitter.
Sa pagpanaw ng maraming celebrity noong nakaraang taon kabilang na sina David Bowie, George Michael at ang matalik niyang kaibigang si Carrie Fisher, nagbiro si James na: “If you thought 2016 was bad, I’m releasing an album in 2017.”
Ipino-promote ngayon ni James ang kanyang bagong album na Afterlove.
At bagamat mahigit isang dekada na ang nakalilipas simula nang ilabas ang kanyang iconic tune, nagpasya si James na linawin ang mga sabi-sabi kung talaga bang naiinis siya sa kanyang awitin.
“Too much of a good thing turns into a bad thing eventually, and it got a lot of airplay, and it doesn’t take much to work out that kind of thing. I love hamburgers, but if you give me a hamburger for every meal I’m gonna tire of it,” aniya.
“Is it an annoying song? No, it’s not, unless it’s shoved down your f**king throat a s**tload.” (NEWS.COM.AU)