PABIGAT nang pabigat ang mga eksena sa Destined To Be Yours dahil sa nangyaring sunog sa Pelangi na naging dahilan ng pag-alis ng pamilya Obispo.
Parang wala nang katapusan ang mga paghamon sa buhay ng pamilya ni Sinag (Maine Mendoza).
Pagkatapos ng kabiguan ng puso at pagkasunog ng bahay, masamang balita pa ang dumating kay Sinag dahil baka raw hindi na makalakad pang muli ang kaibigan niyang si Badong (Juancho Trivino). Kaya mapipilitan ang tatay ni Sinag na si Teddy (Gardo Versoza) na lumapit sa kanilang mayor para humingi ng tulong pinansyal.
Samantala, babalik naman si Benjie (Alden Richards) sa Pelangi para kay Sinag. May pagkakataon pa kaya silang magkita? Bigyan pa kaya ng panibagong pagkakataon ng dalaga ang binata?
Napakaraming netizens ang nagpo-post ng feedback na masyado raw mabigat sa dibdib ang Destined To Be Yours, na masyado silang nagiging emosyonal habang nanonood dahil nadadala sila sa acting ni Maine. Been there, done that na rin ang peg nila.
