Sa Mayo ngayong taon gagawin ang pagpupulong ng mga kinatawan ng gobyerno ng Pilipinas at ng China kaugnayu ng usapin sa South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, sinabi ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na nasasabik na rin ang China sa mga mangyayari sa unang pulong ng dalawang bansa tungkol sa bilateral mechanism sa South China Sea.

Sa pamamagitan ng bilateral mechanism, makabubuo ng “mutual trust” at maritime cooperation ang Pilipinas at China upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan tungkol sa pinag-aagawang teritoryo.

Una nang sinabi ni Zhao na determinado ang China na makipagtulungan sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagbuo ng Code of Conduct Framework kaugnay ng South China Sea.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bukod sa South China Sea, posibleng pag-usapan din sa pulong ang mga proyektong pang-imprastruktura at mga programa laban sa kahirapan sa Pilipinas. (Beth Camia)