IPINAKILALA na ang cast ng Mulawin vs Ravena kasabay ng grand storycon nitong nakaraang Lunes. Naka-costume ang karamihan sa cast sa pangunguna ni Dennis Trillo na gaganap as Gabriel, the same role na ginampanan niya sa unang Mulawin.

Humble pa si Dennis sa pahayag na, natutuwa siya na, “napasali uli ako rito. Isa ang Mulawin sa mga unang soaps na ginawa ko sa GMA-7.”

Sa Mulawin vs. Ravena, Hari ng Halconia si Gabriel pero hindi pa natin alam kung bida o kontrabida ba siya.

Si Heart Evangelista si Alwina na ginampanan ni Angel Locsin sa original. May anak na si Alwina rito, si Almiro na gagampanan ni Derick Monasterio. Wala pang ipinakilalang Aguiluz (dating ginampanan ni Richard Gutierrez) pero may feeling ang viewers na si Tom Rodriguez ang gaganap nito. Kaya lang, mukhang hindi pa siguradong kasama siya sa cast dahil nasa Amerika pa dahil pumanaw ang kanyang ama.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

Naiisip siguro si Tom dahil nasa cast nga ang kanyang paboritong leading lady at girlfriend na si Carla.

Si Lovi Poe bilang Magindara ay goddess of the sea. Bagong karakter si Magindara at tiyak na isa sa mga aabangan.

Kaabang-abang din kung sino ang makakapareha niya rito.

Si Carla Abellana ang gaganap bilang Aviona na sa unang Mulawin ay may pagkakontrabida. Hindi naman siguro siya kontrabida rito dahil wala pa siyang ginampanang role na bad girl siya.

Naintriga kami dahil kabilang sa cast ng Mulawin vs Ravena sina Angelu de Leon at Joko Diaz. Puwede na pala silang magsama sa trabaho. At ang mas interesting pa, kasama rin si Bobby Andrews na ka-love team ni Angelu noon.

(Nitz Miralles)