BUKAS pa ang pagpapatala para sa San Beda basketball camp na lalarga sa ika-12 season ngayong bakasyon.

Magsisimula ang camp sa Abril 3 (Lunes) para sa kabataang lalaki at babae sa Taytay campus, habang sa Abril 4 (Martes) isasagawa ang camp sa Mendiola campus.

Para sa mga interesadong lumahok, makipag-ugnayan kina Oliver Quiambao sa tel. blg. 735-6011 local 2104 o sa mobile no. 0929-1971071. Maaari ring magpatala kay program director coach Edmundo ‘Ato’ Badolato sa 0908-8624543.

Ang camp, suportado ng Gatorade at Molten balls, ay bukas para sa kabaatang na may edad lima pataas at tinatanggap maging out-of-school youth.

Ang Mendiola campus camp ay isasagawa tuwing Martes at Biyernes ganap na 1:00 hanggang 4:00 ng hapon, habang ang Taytay campus ay bukas din sa parehong araw.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

May P4,000 entry fee para sa campers na makatatanggap ng jersey at bola. Para sa nagnanais na lumahok sa Abril at Mayo, kailangan lamang magbayad ng P7,000.