Tuluyan nang inilipat sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame ang Quezon City anti-drug cop na nakuhanang nanggulpi ng motorista sa loob ng isang police station dahil sa away-trapiko noong nakaraang linggo.

Bago siya inilipat, nag-exit call si Chief Insp. Melvin Madrona kay Quezon City Police District (QCPD) director Guillermo Eleazar sa Camp Karingal kahapon.

Ayon kay Eleazar, sa press briefing sa kanyang opisina kahapon, natanggap nila ang utos ng PNP headquarters na isailalim si Madrona sa restrictive custody ng Headquarters Support Service.

Kinakailangan agad sundin ang nasabing utos, ayon sa hepe ng QCPD.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon kay Madrona, na isinuko ang kanyang baril kay Eleazar, na susundin niya ang nasabing utos ng PNP.

“Ako po ay tumatalima sa aming organisasyon, susunod sa desisyon…Ako po nandito ngayon para sumunod sa kautusan ng aming organisayon,” pahayag ni Madrona sa mga mamamahayag.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) sa loob ng Fairview Police Station noong Marso 17, mapapanood na sinasaktan ni Madrona ang isang 24-anyos na motorista habang pinapanood siya ng kanyang mga kasama.

Hindi pinangalanan ang biktima para sa kanyang seguridad.

Hindi itinanggi ni Madrona ang pananakit sa biktima, ngunit dinipensahan lang umano niya ang kanyang sarili at sinabing inargabyado siya ng motorista sa gitna ng pagtatalo sa trapiko.

Gayunman, sinabi ni Eleazar na “unacceptable” ang ginawa ni Madrona kahit pa ang motorista ang nagsimula ng insidente.

“We chose him (to be the chief of the SDEU because there were derogatory reports about him. In fact, he really helped in or campaign against anti-illegal drugs and other forms of criminality. But just the same, no explanation could justify what he did. Whatever happened, it cannot justify what we saw in CCTV footage,” aniya.

Ayon kay Eleazar, inihahanda na nila ang kasong administratibo laban kay Madrona na kasalukuyang nahaharap sa kasong physical injuries, arbitrary detention, grave threats at grave coercion. (Vanne Elaine P. Terrazola at Jun Fabon)