NAGPUPUYOS sa galit si Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, District Director, Quezon City Police District (QCPD), dahil siya yata ang pinakahuling opisyal na nakaalam na nagpasiklab nitong Lunes, sa loob ng kanyang area of responsibility, ang isang malaking grupo ng maka-kaliwa na naging sanhi ng pagkakabuhol ng trapiko sa kanto ng financial district ng Cubao.

Tanong ng isa sa mga friend ko sa Facebook: “Anyare sa mga intelligence operative ng Philippine National Police (PNP) – natutulog sa pansitan?”

Sagot ko: ‘Di lang tutulug-tulog, bagkus tila sarap na sarap sa pamamaluktot sa kama at pananaginip ang ating mga tiktik - habang ang grupong nagpo-programa sa Cubao, kumakanta at ipinagsisigawang mga miyembro sila ng New People’s Army (NPA), kasabay ng military drill sa gitna ng mataong kalsada ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

Malaking “black eye” ito sa imahe ng QCPD na nito lamang nakaraang linggo ay pinuri ng IMBESTIGADaVe dahil sa matagumpay nilang pagkakahuli sa isang aktibong miyembro ng Maute group na makailang-ulit nang nagtangkang maghasik ng lagim dito sa Metro Manila, sa pamamagitan nang pagtatanim ng isang Improvised Explosive Device (IED), sa Rizal Park ‘di kalayuan sa gusali ng U.S. Embassy.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Malaking batik ito sa lahat ng intelligence group ng pamahalaan dahil nagpapakita lamang ito ng kawalan nila ng “active coordination” sa pakikipagpalitan o “sharing” ng mahahalagang “intelligence information” sa isa’t isa. Kung ang mga miyembro ng media ay nakapag-cover agad habang nagpo-programa sa gitna ng EDSA, ang mga NPA daw na bagamat may mga takip ang mukha, napansin kong magaganda ang kutis, matataba, maraming malaki ang tiyan at tila mga bago ang kasuotan – wala akong nakikitang dahilan para mapag-iwanan dito ang mga tiktik ng PNP.

Alam naman daw ng lahat ng mga intel operative na mga nakasulat sa pulang letra ang mga petsang Marso 28, bilang birthday ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang Marso 29, bilang ika-48 anibersaryo ng pagkakatatag ng NPA – kaya dapat lahat sila ay may pati-unang galaw nang pag-iingat para sa anumang maaaring mangyari, ilang... araw bago o makaraan ang mga petsang ito.

Ngunit kundi man nila ito na-monitor agad – isa lang ang tanong ko ulit sa ating mga tiktik para ‘di ko na isiping “natutulog sila sa pansitan” – Nasaan ang POST MORTEM REPORT ninyo kung paano nag-disperse, saan sumakay, saan papunta ang mga nagsagawa ng “lightning rally” sa EDSA nang matapos ang kanilang halos 10 minutong programa na pinanood ng mga naantalang tao sa kalsada?

Nakalulungkot isipin na sa pagreretiro ng mga hinahangaan at mga IDOL kong “police sleuth” ay tila wala silang iniwan o sinanay na mga operatibang magpapatuloy sa kanilang napakahirap at mapanganib na trabahong ang mga “resulta” ay salalayan ng mahahalagang pagpapasiya ng mga opisyal ng pamahalaan, lalo na ni Pangulong Duterte.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)