Pia Wurtzbach_FOR BANNER copy

NADAMAY si Pia Wurtzbach sa away ng fans ni Miss International 2016 Kylie Verzosa at Miss Philippines-Universe 2016 Maxine Medina. Ipinagtanggol lang naman ni Pia si Jonas Gaffud na sobrang na-bash ng supporters ni Maxine.

Ang kasalanan ni Jonas, para sa supporters ni Maxine, mas pinapaboran daw nito si Kylie dahil sa ipinost na cover ng huli sa Style Weekend magazine ng Manila Bulletin at nabanggit na may mga endorsement, TV shows, fashion features, advocacies at marami pa itong pagkakaabalahahan.

Samantalang wala raw ipino-post si Jonas na anumang activity ni Maxine. Inutusan pa si Jonas na alisin ang post niya kay Kylie, na hindi raw nito ginawa. Ipinaalam tuloy ni Jonas na may three movie offers kay Maxine, pero hindi pa matanggap dahil nahihiya pa itong mag-showbiz.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Dahil sa pagtatanggol kay Jonas, tinawag na Patola Queen, Sawsawera at Papaya Queen si Pia.

Pero hindi nagpapigil si Pia at nag-post ng saloobin.

“Sa totoong buhay, magkasundo si Kylie at si Maxine. Mga fans lang ang gumagawa ng rivalry. Maxine has a lot of work lined up for her and also Kylie. In the end these are women who have paid their dues. They’ve proven themselves.

Tapos na ang binibini at tapos na international pageants nila. They should be enjoying the benefits of their hard work. Kylie is doing so well and so is Maxine. Fans should know when to move on. Mag-focus na sa mga bagong binibini o maging proud na lang na may representative pa rin tayo kung ‘yung ibang countries nga wala at di pa consistent.

“It’s so sad to see that the same fans who are supposed to be supporting our girls are pulling them down or worse pitching them towards each other as competition...”

Mas aliw ang second post ni Pia: “At, oo, pumapatol ako. Oo, affected ako. Kasi mahal ko ‘yung tao, e. Mama J discovered me. He believed in me and saw my potential in a time where I didn’t think I could even be a candidate in Binibini. But look at what happened? Kaya naman, ‘di ba? Stop attacking him if you feel that the girls you are supporting are not getting enough publicity. Hindi ganon ‘yun. Social media is not a judge.” (NITZ MIRALLES)