MALAKI ang paniniwala ni dating undisputed world heavyweight champion Buster Douglas na tatalunin at posible pang mapatulog ni eight-division world titlist Manny Pacquiao si dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. kapag nagkaroon ng rematch ang dalawang boksingero.

Sa panayam ni boxing writer Edward Chaykovsky ng BoxingScene.com, hindi kumbinsido si Douglas sa panalo ni Mayweather kay Pacquiao sa laban noong Mayo 2, 2015 sa Las Vegas, Nevada.

Ang 56-anyos na si Douglas ang lumikha ng pinakamalaking upset sa kasaysayan ng boksing sa nakaraang siglo nang mapatulog niya sa 10th round si defending champion Mike Tyson sa Tokyo, Japan noong Pebrero 1990.

“I like to see Manny fight Mayweather (again). Their first fight was close but I think in his next fight he’ll be more dominant. I think he will come out victorious,” sabi ni Douglas. “Manny is incredible, he’s got great hand speed, footwork. If he catches him at the right time he definitely could put his lights out.”

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

“[Pacquiao has] had a great career and is still doing well. Future still looks bright. He can go as long as he wants to go if he still has that burning desire to be the world ‘s best,” dagdag ni Douglas. “He’s a remarkable individual and I have a lot of respect for what he’s been doing in and out of the ring.”

Winasak ng sagupaang Mayweather-Pacquiao ang lahat ng rekord sa boksing sa $600 milyong record revenues at 4.6 milyon buy sa pay-per-view.

Bagamat nagretiro na si Mayweather, gusto niyang magbalik sa ring laban kay UFC superstar Conor McGregor ng Ireland samantalang nabolilyaso ang dalawang nakatakdang laban ni Pacquiao nitong Abril at Mayo kina Aussie Jeff Horn at Briton Amir Khan. (Gilbert Espeña)