TUMAUINI, Isabela - Dalawang katao ang namatay habang walong iba pa ang nasugatan, kabilang ang ilang menor de edad, makaraang bumaligtad ang isang kuliglig sa Barangay Balug sa Tumauini, Isabela.
Sa ulat na tinanggap kahapon mula sa Isabela Police Provincial Office, dakong 7:12 ng gabi nitong Lunes nang salpukin ng hindi natukoy na sasakyan ang likuran ng kuliglig, na bumangga naman sa tambak ng buhangin bago tumaob.
Nasawi sina Vienerson Nabor, 21; at Lorita Ganado, 58, habang sugatan naman sina Carlito Torres, 31; Kristel Ann Ganado, 16; Joy Dumo, 34; Sunshine Dumo, isang taong gulang; Scarlet Joyce y Dumo, 6; Jenny Madriaga, 38; Francis Dave Madriaga, 2; at Stephanie Dumo, siyam na taong gulang. (Liezle Basa Iñigo)