Patay ang isang barangay chairman habang malubha namang nasugatan ang walong taong gulang niyang anak matapos na aksidenteng pumutok ang baril ng opisyal sa Barangay Pacatin, Cabatuan, Iloilo.

Nabatid sa imbestigasyon ng tanggapan ni Chief Insp. Engelbert Banquillo, hepe ng Cabatuan Municipal Police, na nagmamaneho ng motorsiklo si Virgil Suniega, barangay chairman, angkas ang kanyang asawa at tatlong anak nang pagsapit sa Bgy. Jelicuon Lusaya ay sumemplang ang sasakyan.

Sa pagtumba ng mag-anak ay pumutok ang .45 caliber pistol ng chairman at tinamaan siya sa hita habang nadaplisan naman ang kanyang anak.

Sinabi ni Chief Supt. Banquillo na posibleng may lason ang bala ng baril ni Suniega kaya kaagad itong nasawi.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

(Fer Taboy)