JULIA AT JOSHUA copy

KITANG-KITA sa body language at ramdam sa mga pananalita nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa guesting nila sa Magandang Buhay nitong nakaraang Lunes na gusto nila ang isa’t isa.

Hindi na nila ito kailangang itanggi. Pero wala pa raw silang relasyon.

Ang nakakapagtaka, bakit may selosan factor na kaagad? May pinagselosan pala si Julia kay Joshua nu’ng birthday party niya kamakailan, kaya pala nakapa-sweet nila sa slow dance video dahil inaamo ng aktor ang dalaga.

Mga Pagdiriwang

Philippine Book Festival, sinimulan na!

“Kasi si Josh, ganito siyang tao, ipo-pour niya lahat ng attention niya sa ‘yo,” pagtatapat ni Julia. “So, siyempre ‘pag napupunta ‘yung attention niya sa iba, parang magseselos ka. Dapat ako lang ‘yun.”

“Hindi ko sinasadya ‘yun,” mabilis namang katwiran ni Joshua. “Sinuyo ko naman siya hanggang madaling araw.”

Inamin din ng dalaga na botong-boto ang buong pamilya niya kay Josh, sa katunayan ay ang mga ito pa raw ang nagsabing dumalo ang binata sa exclusive birthday dinner ni Julia sa isang restaurant sa Bonifacio Global City.

Na-appreciate nga raw nang husto ni Julia ang pagpunta ng binata.

“Nakakakilig kasi siyempre na-appreciate ko ‘yung effort. That was my special day. That was my birthday. May taping siya nu’n ‘tapos dumiretso pa siya sa birthday dinner ko.”

Isang Pink Pig stuffed toy ang regalo ni Joshua kay Julia na katabi raw ng dalaga sa pagtulog.

“Katabi ko nga matulog ‘yung stuffed toy, eh,” rebelasyon ni Julia na nagpangiti sa binata.

Samantala, nabanggit ni Julia na ipinaimbita ang binata ng kanyang Lola Inday Barretto, na palagi palang nanonood ng The Greatest Love, sa 80th birthday nito.

“’Yung lola ko kasi, they never miss soap opera in a day. Super naging favorite niya si Josh. ‘Tapos nu’ng nalaman niyang kasama ko siya sa pelikula, ‘yun lang ‘yung only request niya para sa birthday niya, for Josh to be there,” kuwento ni Julia.

Kaya naman pala wala si Ronnie Alonte sa party ni Julia, eh, dahil si Josh ang ipinaimbita at paborito ng pamilya.

(REGGEE BONOAN)