LIVE na ipinakita sa 24 Oras nitong Lunes, Marso 27, mula sa Studio 7 ng GMA Network, ang bumubuo sa cast ng Mulawin vs Ravena na may teaser na “makikilala na ang bagong maghahari sa himpapawid”, hosted ni Iya Villania.
Isa-isang ipinakilala ang mga bubuo sa bagong telefantasya na hango sa Mulawin na unang ipinalabas noong 2004, sa pangunguna ni Dennis Trillo bilang si Gabriel, Heart Evangelista bilang si Alwina, Lovi Poe as Magindara, and Carla Abellana as Aviona.
Si Miguel Tanfelix ay gaganap pa rin sa dating role niya as Pagaspas sa unang Mulawin katambal si Bianca Umali na gaganap namang si Lawiswis; Derrick Monasterio as Almiro at Bea Binena as Anya, TJ Trinidad as Greco, at Kiko Estrada as Rafael.
Kasama rin sa cast sina Nova Villa as Lola Elo, Roi Vinzon as Daragit, Angelu de Leon as Lourdes, Charee Pineda as Savana, Valerie Concepcion as Tuka, Wyn Marquez as Ribay, Chynna Ortaleza as Reyna Rashana, David Licauco as Malik, Joko Diaz as Antonio, Dion Ignacio as Siklab, at Bobby Andrews as Dionisio.
Ayon kay Dennis Trillo, hindi na siya tumanggap ng iba pang project nang tanggapin niya ang Mulawin vs Ravena dahil pinaghandaan na niya ang kanyang role na nangangailangan ng lakas at liksi ng katawan. Sumailalim kasi siya sa mga training.
Biro naman ni Carla, three months siyang nag-diet at nag-exercise bilang paghahanda sa role na gagampanan niya.
Bumagay kay Carla ang contact lens na gamit niya bilang si Aviona.
First time namang lilipad si Heart kaya excited siya sa kanyang bagong role. Napakaseksi naman ni Lovi sa kanyang outfit bilang si Magindara.
Masaya ang magkakaibigang Lovi, Heart at Carla dahil muli silang nagkasama-sama sa napakalaking project na ito.
Ang Mulawin vs Ravena ay mula sa direksiyon ni Dominic Zapata. (NORA CALDERON)