Pitong katao ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa illegal recruitment.
Nakatakdang sampahan ng kasong estafa at syndicated and large scale illegal recruitment sina Marie Alvarez, Mercy Galedo, Crisanto Diroy, Joel Gallezo, Kristine Fernandez, Cludia Arnente, at Ramona Castro.
Sila ay inaresto ng NBI-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) sa the Kairus Human Resources office sa Pasay City noong Marso 22.
Ayon sa NBI, ang Kairus Human Resources ay hindi lisensiyadong ahensiya ngunit sila’y nagre-recruit ng mga aplikanteng nais magtrabaho bilang food processors sa Japan.
Upang mas mahikayat ang mga aplikante, nagkakaloob ng malaking discount sa down payment, para sa visa processing, ang nasabing ahensiya.
Nag-ugat ang kanilang pagkakaaresto sa mga reklamo ng kanilang mga aplikante. (Jeffrey G. Damicog0