VIRGINA (AP) – Sinuportahan ng grupo ng 12 state attorney general at isang governor ang revised travel ban ni President Donald Trump na tumatarget sa anim na bansang Muslim.

Hinihimok ng mga estado ang 4th US Circuit Court of Appeals sa Richmond, Virginia nitong Lunes na baligtarin ang desisyon ng Maryland lower court na humaharang sa revised executive order ni Trump. Iginiit ng mga estado na ang aksiyon ng administrasyon ay hindi “pretext for religious discrimination” at hindi labag sa konstitusyon.

Ang mga estadong ito ay kinabibilangan ng Alabama, Arizona, Arkansas, Florida, Kansas, Louisiana, Montana, Oklahoma, South Carolina, South Dakota, Texas at West Virginia. Nakiisa sa kanila si Gov. Phil Bryant ng Mississippi.

Itinakda ng 4th Circuit ang oral argument sa Mayo 8.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'