Hindi lamang estudyante ang tinatanggap sa summer job kundi maging ang mga Out of School Youth (OSY) din.

Ayon kay Senator Sonny Angara, pagkakataon na ng OSY na mapabilang sa Special Program for Employment of Students (SPES) para mapag-ipunan ang kanilang pagbabalik sa pag-aaral.

“Pinalawak natin ang sakop ng batas para mas mabigyan sila ng oportunidad na mag-apply sa trabaho para kumita at matustusan ang kanilang pagbabalik-eskwela,” ani Angara, tagapagtaguyod ng pinalakas na SPES Law o Republic Act 10917, na pinagtibay noong Agosto 2016.

Naglaan ang Department of Labor and Employment ng P798 milyon para sa employment ng 120,000 estudyante at OSY ngayong summer break. (Leonel Abasola)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist