010817-cado 11 copy

Magiging simple at pribado ang pagdiriwang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-72 kaarawan ngayong araw, Marso 28.

Inaasahang ipagdiriwang ng Pangulo ang araw na ito kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan at walang magarbong handaan, ayon sa kanyang tagapagsalitang si Ernesto Abella.

“Traditionally, the President marks his birthday quietly without fanfare. He spends some quality time with family and close friends,” ani Abella.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“While certain offices may hold parallel celebration, the President usually veers away public attention on his private and personal affairs,” dugtong niya.

Walang nakalinyang public appointment ang Pangulo, nasa Davao City simula nitong weekend, ngayong araw.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na wala na siyang materyal na hihilingin para sa kanyang kaarawan bukod sa dagdag na lakas at sapat na panahon para mapagsilbihan ang mamamayan at matugunan ang mga problema ng bansa.

“If you have something for me, some are very expensive, you know I do not need it anymore,” aniya sa panayam ng media kamakailan.

Nagpaabot ng pagbati ang communication officials ng Pangulo sa kanyang kaarawan.

“With all the responsibilities PRRD has right now, I wish him more time for himself and the small things in life that make him happy,” mensahe ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

“I wish that his dreams for a great Filipino nation all come true,” sabi naman ni Abella. (GENALYN D. KABILING)