BAGUIO CITY - Umapela ang Filipino-Chinese community sa awtoridad na tutukan ang kaso ng pagpatay sa negosyanteng si Henry Lao noong 2015, para mapanagot na ang may sala at mabigyang katarungan ang pamilya ng biktima.
Nabatid na itinaas na sa P1.5 milyon ang naunang P1 milyon pabuya sa ikadarakip ng suspek, ayon sa Guardians Reform Advocacy for Cooperation and Economic Prosperity, Inc. (GRACE-Guardian). Disyembre 1, 2015 nang matagpuang patay at may 34 na saksak sa katawan si Henry Lao, 68, sa loob ng bahay nito sa Barangay Ferdinand, Baguio City.
(Rizaldy Comanda)