LA PAZ, Tarlac - Masaklap ang sinapit kahapon ng isang dalagita na halinhinang ginahasa ng tatlong menor de edad sa loob ng Guevarra Public Cemetery sa La Paz, Tarlac.

Ayon sa salaysay ng 14-anyos na biktima, dakong 11:00 ng gabi nitong Linggo nang magpunta siya sa isang kaibigan at umuwi bandang 2:00 ng umaga.

Nilapitan umano siya ng tatlong suspek at isa sa mga ito ang nagbantang sasaksakin siya ng sabungkay kung hindi sasama sa kanila, hanggang sa dalhin siya ng tatlong binatilyo sa sementeryo at halayin.

Kaagad namang naaresto ang tatlong suspek na pawang taga-Barangay Guevarra sa La Paz, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match