TUWANG-TUWANG ikinuwento ng aming source na malapit kay Matteo Guicicelli, na very obvious na botong-boto kay Sarah Geronimo, na magkasama ang dalawa sa birthday celebration ng aktor sa Cebu nitong nakaraang Linggo.

Akala raw kasi nila ay hindi magawan ng paraan ni Sarah na makapuslit sa mismong selebrasyon ni Matteo. Hectic na kasi uli ang schedule ni Sarah. Katunayan, buong Biyernes na inabot ng gabi ay nasa taping ang dalaga ng isang show sa Dos.

Pero kapag mahal daw talaga ng isang tao ang may kaarawan, kahit gaano pa kalayo at kahit gaano pa ka-busy ay may magagawang paraan.

Kuwento ng aming very reliable source, magkasamang lumipad patungong Cebu sina Sarah at Matteo. Sinundo pa nga raw ng huli ang una sa bahay nito ng umaga noong Sabado.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Siyempre, welcome na welcome si Sarah sa pamilya ni Matteo. Katunayan, lahat daw ng mga kamag-anak ng aktor ay giliw na giliw sa dalaga.

Tungkol naman sa isyu na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw pabor sa relasyon ng dalawa ang mga magulang ni Sarah, “no comment” lang ang sinabi ng kausap namin.

“Sooner or later, eh, matatanggap na rin nila ‘yun,” sey pa niya. (Jimi Escala)