CABANATUAN CITY - Arestado ang isang 19-anyos na kolehiyala makaraang mabuking ang pagtatangka niyang magpuslit ng drug paraphernalia para sa kanyang ama na nakapiit sa Nueva Ecija Provincial Jail (NEPJ) sa Barangay Caalibangbangan, Cabanatuan City, nitong Linggo ng umaga.
Kakasuhan si Dhanilla Jed Ingalla, 19, 2nd year college sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST)-Sumacab campus.
Ayon sa pulisya, bandang 11:00 ng umaga nang bumisita ang dalaga sa amang bilanggo ngunit hindi na niya nagawang makita ang ama matapos siyang makuhanan ng awtoridad ng improvised pipe na may latak ng marijuana, isang stick ng sigarilyo at dalawang disposal lighter. (Light A. Nolasco)