CAMP GENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan – Limang lalaki, kabilang ang dalawang 15-anyos, ang inaresto ng mga operatiba ng Santa Maria Police sa umano’y halinhinang panggagahasa sa isang estudyante ng Grade 10 sa Barangay Caypombo, Sta. Maria, Bulacan, nitong Sabado ng madaling araw.

Sa report kay Bulacan Police Provincial Office acting director Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Ray Francisco Salting Planos, 20, estudyante sa Grade 10; Kent San Pascual Tejada, 19; Justine Panganiban Enriquez, 18, pawang taga-Las Palmas Subdivision sa Bgy. Caypombo; at dalawang 15-anyos na out of school.

Ayon sa report kay Senior Supt. Caramat ni Supt. Raniel Valones, hepe ng Sta. Maria Police, isinalaysay ng 17-anyos na biktimang estudyante sa Grade 10 na nalasing siya sa inuman at sinamantala ito ng mga suspek upang halinhinan siyang gahasain bandang 2:00 ng umaga nitong Sabado sa loob ng Las Palmas Subdivision. (Freddie C. Velez)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?