BOTO si Fanny Serrano kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach bilang kapalit ni Angel Locsin at si Kiray Celis naman ang alter ego.
“Natatandaan ko nu’ng maliit pa ako at napanood ko ang Darna nu’ng early 50s na si Rosa del Rosario ang gumanap ay ibang character ang gumanap bilang si Narda at s’ya ay si Mila Nimpa,” post ni Fanny sa Instagram.
“Lahat ng Darna movie series nila ay napanood ko. Si Darna kasi ay isang superheroine galing sa outer space ready to defend our mother earth from evil forces and she is manifesting through a rural girl from earth named Narda na isang napakaordinaryong babae na pipilay-pilay at may bunsong kapatid na si Ding na nag-iisa lang na nakakaalam ng secret ni Narda bilang Darna.
“Ginagamit lang ni Darna ang katawan ni Narda sa pamamagitan ng paglunok ng mahiwagang bato, it’s like the movie of Herbert Bautista transformed into an Edu Manzano image as Captain Barbel.
“So, let’s be logical kung ang image nga naman ni Narda ay makikita rin sa image ni Darna, makikilala na agad siya ng mga kalaban niya at madali siyang mapatay at ‘yun ang reason ng inconsistency na nakikita ko sa mga Millenium Darna ngayon. Ang bidang artista na ang gumaganap sa role ni Narda at Darna.
“Nakakalungkot talaga when I learned na hindi na si Angel Locsin ang gaganap na Darna. At ang pinaka-perfect na dapat pumalit sa kanya ay si Pia Wurtzback na mala-Wonder Woman ang porma na super minamahal din naman ng mga Pilipino all around the world at ang kasikatan ay sa buong Universe at ang dapat lang na Narda ay walang iba kundi si Kiray na super layo ng image kay Pia bilang Darna at sino ang maghihinalang si Narda ay si Darna?
“For sure, it will be an honest-to-goodness adventure ng isang isang original istorya ni Darna! ‘Ding, ang bato!”
Batid na marami ang magre-react sa suggestion na ito kaya nagsabi rin ang kilalang hairstylist/actor ng, “your reactions are all welcome, my dearest bashers! Go!” (REGGEE BONOAN)