BILANG kapalit marahil ng Darna movie ay dalawang pelikula ang gagawin ni Angel Locsin ngayong taon. Si Coco Martin at si James Reid ang makakatambal ni Angel sa dalawang Star Cinema movie na ito.
Pero bulong ng isang Star Cinema insider sa amin, hindi na rin daw matutuloy ang uunahin pa naman sanang pelikula nina Angel at James. Nakatutok pa kasi si Coco sa lalong gumagandang Ang Probinsiyano kaya uunahin muna ng Star Cinema ang Angel-James project.
Uumpisahan na sana ang pre-production ng nasabing pelikula pero biglang nagkaroon ng problema.
Ayon sa spy namin, isa sa dalawang kampo ang tumanggi.
Kumbaga, hindi pa nga nauumpisahan ay nagkaroon agad ng bulilyaso. Sa pagkakalaam ng source, gustung-gusto na ni Angel na masimulan ang shooting ng pelikula.
Malamang daw na magkaroon ng ibang leading man si Angel para ipalit kay James Reid.
Samantala, nagbalik sa It’s Showtime si Angel Locsin at kitang-kita ang sobrang pagkaka-miss sa kanya ng madalang pipol. Mainit na tinanggap si Angel ng lahat ng tao sa studio.
Game na game ang aktres na nagkipag-rap kay Andrew E ng awiting Humanap Ka ng Panget. After ng number nila, agad binanggit ni Angel na wala raw siyang pinariringgan sa inawit nila, huh! (JIMI ESCALA)