AFTER Eula Valdez, nagbabalik-ABS-CBN na rin si Ina Raymundo.
Kasama si Ina sa seryeng La Luna Sangre na pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sunud-sunod ang ginawang TV series ni Ina sa GMA-7 pero nang dumating daw ang offer ng ABS-CBN ay agad niya itong tinanggap.
Nagkaroon pa ng “look test” ang buong cast para sa nagbabalik na primetime fantaserye ng Kapamilya Network.
Ito rin ang pagbabalik-primetime ng tambalang KathNiel na huling napanood sa Pangako Sa ‘Yo. Bukod sa naturang serye, ipapalabas na rin sa Black Saturday ang kanilang newest movie na Can’t Help Fallin In Love.
Pagkatapos ng paspasang promo ng naturang movie, tuluy-tuloy na agad ang dalawa sa taping ng La Luna Sangre.
Ayon sa nagkuwento sa amin, epic serye raw ito pero medyo light lang at hindi kagaya ng ginawa noon nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin mapapanood pa rin sa pilot week nito, huh! (JIMI ESCALA)